Salamat, Polar Bear.
Isa sa mga taong hinding-hindi ko makakalimutan ay si Manong Solis. Bahagi siya ng buhay ko noong kolehiyo. Mas maraming nakakakilala sa kanya sa pangalang "Polar Bear". Medyo may kalakihan kasi siya at may kaputian. Hindi alam ng nakararami na ang tunay nyang pangalan ay Artemio Solis. Isang taong nagbuhos ng dedikasyon at pagmamahal sa kanyang trabaho.
Sino nga ba sya? Anong papel nya sa buhay ng mga estudyante ng AB? Sa may gawing Dapitan, nandon ang gusali namin. 4 na taong labas-masok ako sa gusaling iyon. At si Manong Solis ang una kong nasisilayan, nabubungaran, nakikita. Siya ang unang karayom na kinailangan kong lusutan upang makapasok. Hindi ang mga prof o kaya si dean. Si Manong Solis, ang guwardiya ng St. Raymund's Building.
Kadalasan ay saksakan ng sungit si Manong Solis. Parang nagmemenopause na babae.
"Hoy! ID mo!"
"Bat ka nakasleeveless? Alam nyo naman na bawal yan! Sige pa rin kayo!"
"Bawal yan dito!"
"Bawal ang sandals, hindi ka pwede pumasok!"
"Bat ka nakacivilian? may klase ngayon ah!"
"Kayo, pag binagbibigyan, umaabuso!"
Ganyan kadalasan ang narinig ko dati. Pag may nakaiwan samin ng ID, iintayin nalang na magkaron ng regudon ng mga guwardiya, wag lang makabangga si Polar Bear.
"Lintek! Si Solis nagbabantay. Patay tayo jan 'tol!"
"----ina naman oh! Si Solis ang bantay. Mainit ako dyan eh!"
Minsan bumagyo. Nagkataong nakitawag ako sa payphone ng building. Walang pasok noon. Natural, baha na naman.
Ako: Manong, dito muna ako ha?
Solis: Sige, mukhang matagal pang ulan. Baka magkasakit ka pa nyan.
Ang totoo non, nangangatog ako hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa takot ko sa kanya.
Solis: San ka ba nakatira?
Ako: Dyan lang po sa may Alfredo. Sa may Almer's. Sira kasi phone namin eh.
Solis: San probinsya mo 'ne?
Ako: Sa Mindoro po.
Solis: Talaga? Nadestino ako dun dati. Ilang taon din yun. May mga kamag-anak din ako dun. San ka sa Mindoro?
Ako: Calapan po.
Solis: Aba, talaga? May mga kakilala ako sa munisipyo dun.
Ako: Kilala nyo po ba Si Chippy Espiritu?
Solis: Yung dating governor? Oo naman.
Ako: Ninong ko po sya.
Katahimikan.
Solis: Namimiss ko na ang Mindoro. Simple lang ang buhay doon. Kelan ka huling umuwi?
Ako: Naku, matagal na po.
Nagkuwento pa sya ng mga nangyari sa kanya sa Mindoro. Tumila na ang ulan.
Ako: Manong, sige po...mauna nako. Salamat po ah.
Solis: Sige, Zara. Minsan dalawin mo naman ang Mindoro. Isabay mo ko ha?
Ako: Sige po. Babay!
Solis: Ingat sa daan!
Mula noon, kabatian ko na sya. Laging nagyayang umuwi kami sa Mindoro. Nakilala ko ang isang bahagi ng pagkatao nya. Hindi ang guwardiyang nakauniporme at maghapong nakatayo, naninita. Si Manong Artemio Solis.
2 taon ang nakalipas. Wala na kong balita sa kanya. Nakikita ko lang ang account na ginawa para sa kanya sa Friendster. Hanggang dun lang...
Nakatanggap ako ng balita noong isang araw. Pumanaw na sya noong 24 ng Mayo. Hindi ako halos nakatrabaho ng maayos. Apektado ako, maging ang mga naging kaklase at batchmates ko. Sa Friendster, sa e-mail, sa text...nagkalat. Patay na si Manong Solis. Nanlalambot ako tuwing naiisip ko. Isang tao lamang siyang dinadaan-daanan ng lahat, kinakatakutan, pinagtatawanan. Pero sa likod ni "Polar Bear" ay isang taong buong pusong naglingkod sa mga estudyante. Ginugol nya ang mga natitirang araw ng buhay nya sa mga taga-AB. Sa bawat paninita dahil walang ID, naka-sandals, naka-civilian...nagtatago dito ang kanyang pagmamalasakit at pagmamahal sa mga Artlets...
Salamat, Manong Artemio Solis...Ang nag-iisang Polar Bear ng buhay namin.