Thursday, March 24, 2005
BAGO
Dahil sa mga kadahilanang hindi ko lubusang maipaliwanag...lumipat na ako dito...zarmania
Doon na malilipat lahat ng reklamo sa buhay, pasasalamat sa mga magagandang nangyayari at kung anek-anek na kaweirdohan..
Salamat sa suporta, mga kaibigan. Sa lahat ng hindi ko mailagay na links sa blog na ito, paumanhin ang hinihiling ko. Sa lahat din ng nagsasabing hindi sila makapagcomment dito, sa bago pwede na. Pasensya na at mahina lang talaga ang inyong lingkod sa computer.
Salamat.
Public - 2:28 AM - add eprops - add comments - edit it - email it
Tuesday, February 08, 2005
HINDI AKO MAARTE. Kung may isang bagay na kinabwibwisitan ko eh yung mga babaeng pasaway at saksakan ng kaartehan. Yung tipong pag nakatapak ng putik sa daan, magngangangawngaw at diring-diring sasabihing "Ewww, may dirt sa shoes ko, take it off, take it off!!" Grrr!! Ingungudngod ko pa lalo mukha niya sa putikan. PASAWAY!
(May isa akong taong kilala sbra na ang pagka-arte at isa syang malaking POSER. Sabihin ba nmang "Ano yung santol?" ANAK KA NG ---------!!!!)
BUT I had my own moment of kaartehan last Saturday. At ang kaartehang yun ay dulot ng pagtitipid. Mahirap palang ma-pamper ng malapit na bahay sa opisina. Yung tipong hindi mo na kailangang tahakin ang buong Kamaynilaan para marating ang paroroonan. Ilang tumbling na lang kasi ready to work nako. Nung Sabado napagkasunduan ng RMH people na magkita-kita sa Starbucks Loop ng ABS-CBN (which was once just an FX away from our previous apartment). Magkikita na lang kami ni Cha sa SM North and sabay na lang pupunta sa domain ng mga Kapamilya. So, in short, susuyurin ko ang EDSA para makarating ng norte...mag-isa. Hindi ako sumasakay ng MRT ng walang kasama. Mas gugustuhin ko pang sumakay sa karag-karag at walang aircon na bus. Bakit? Dahil may kulang na parte ang utak ko at ubod ako ng katangahan sa direksyon. Pano kung sa ibang istasyon ako ibaba? Pano kung papuntang Taft ang masakyan ko? Pano kung sa kabilang side bumukas ang pinto? Ngunit, subalit kinaya ko...dahil tumataginting na 200 Piso ang pamasahe pag nag-cab ako. Matagal pa ang suweldo kya go ang lola. Steady lang...ang sabi ni Mare sa gitna raw nagpupunta lahat ng pasahero ng Buendia station. Sundan ko daw ang arrow na nakaturo sa North. Ah, madali lang yan. Keri. Nag-abang ako at tinapakan ang dilaw na nakadikit sa sahig. With my poncho and ballet shoes, nakipaggitgitan ako sa mga tao. Then it struck me, shucks, rush hour pala. 5:30 pm. May humintong tren sa harap namin. Ready nako. Napansin ko na lang sa kabilang pinto pumasok yung mga katabi kong babae. YES!! Di ko na kelangan makipag-unahan. Pag tingin ko sa pintong nakatapat saken, bumulaga ang mga kalalakihang mukhang sanggano. Namumula pa ata yung mga mata at mga bangag. Lumunok ako at napakapit ng mahigpit sa bag. Nadala na lang siguro ako ng alon ng tao at tuluyang napapasok sa tren. ATTACK!!! Nagmistulang uod ako na nagsumiksik sa mga sawa para makahanap ng kakapitan at mapalayo sa mga kontrabida. Nakahinga ako kahit papano dahil mejo napalayo ako sa mga goons. "Santolan station, Santolan station". Yun ang narinig ko bago may sumigaw ng "----ina!! Nanakawan ako! Yun celfone ko!" at may isa pang bading na parang naiiyak, "Yung pera ko may kumuha." Sabi ko na...iba na ang kutob ko sa mga lalaking yun. Mukha kasi talaga silang tauhan ni Rex Cortez. Sa ilang segundong nangyari ang mga yun lahat ng tao akala mo matagal ng magkakaibigan. Naghuhuntahan at nagtatawanan na. Iba talaga ang mga Pinoy. Instant friendships tong mga to!!! Bago kami tuluyang naghiwa-hiwalay, may nagsabi pa saking, "O, ikaw iha...mag-ingat ka ha. Maganda pa nman yang suot mong tela."
Kung hindi siguro ako nag-inarte at sinubukang lumayo sa mga mama baka ako ang nanakawan. Higit pa sana sa pang-cab ko. May dulot din palang maganda ang kaartehan, hane?
"Ano ba yung chesa?"
Friday, January 28, 2005
Buhay Estudyante
Tumambay ako minsan sa Powerbooks. Nakakita ulit ako ng kopya ng ABNKKBSNPLAko ni Bob Ong. Nabasa ko na yun. Ilang beses na. Salamat kay Popsie Saturno (oo, anak sya ni Vehnee Saturno). Hehehe...Miss ko na yung babaeng yun. Ang alam ko nabasa ko pa ata yun sa FX at umandar ang pagkamaldita ko dahil kahit may natutulog walang patid ang halakhak ko. Can relate kasi ng sobra...Hmmm..ano nga ba mga 'di ko makakalimutan noong estudyante pako?
Grade School:
---Grade Two.Sobrang kutuhin ako. Hindi lang kuto, lisa at kuyumad pa. Sasakalin ko ang kung sino mang maarteng magsasabing hindi sya nagkakuto noong bata. May classmate akong kulot na lagi akong inaapi at ayaw niya ako pahiramin ng suklay. Totoo nmang maganda ang buhok nya. Yun yata ang unang pagkakataong nalaman ko ang ibig sabihin ng "ganti". "Gaganti di ako sayo..." Minsan nakapila kami sa cashier. Nasa harap ko ang bruha. Ang ginawa ko...Kumuha ako ng lisa sa buhok ko at dahan-dahan kong nilagay sa buhok nya. Kinabukasan...nag-iiiyak sya dhel pinamumugaran na ng kuto ang kulot niyang buhok.
---Grade Two pa din. Siguro epekto din ng mga alaga kong lisa at naging papansin ako. Nag-imbento ako ng istorya na ako daw si Pink 5 ng Bioman. Ang mga uto-uto kong classmates, ewan ko ba at naniwala. Kunwari raw nagrerecruit ako ng bagong set ng Bioman. Ang kinalabasan..napadala ako sa Principal's Office. Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Mr. Zaragosa.
---Grade 4. Ayan na. Dito na nagsimula ang mga "who is your crush?" na yan. Lintek, maaga ata akong napasabak sa larangan ng pag-ibig. Pinadalhan ko pa ng sulat yung crush ko at sinabi kong magkita kami sa likod ng gym. Nakipagkita nga sya sabay sabi ng "Sa susunod wag mo nako padadalhan ng sulat ha. Hindi kasi maganda tingnan." At nagmadaling umails. Hayup na yun!!! Muntik pa nman ako ihian ng palaka kakaintay sa kanya sa talahiban.
---Grade 5. Ah eto...matindi 'to. Hustler ako sa patintero at cops and robbers. Wala akong pakialam kung kinakain na ng sapatos ang medyas ko. Cyclops ang tukso sakin dati. Ang laki daw kasi ng mata ko. Nagpapatintero kami ng mga girls at nanonood ang mga kalalakihan. Napansin ko na lang nagtatawanan sila. Nakita ko may dinodrawing sila. Pag lapit ko ayun na nga...ako ang dnrawing nila. Babaeng malaki ang mata!! GRRR!! Uso pa nun ang taekwondo. Ang ginawa ko hinampas ko yung nagpasimuno sa ulo. Nakita ko na lang nanlisik ang mata nya at sinakal ako. Nagpagulong-gulong kami sa damuhan na nagsasakalan. Yun nman ang first time kong nakipag-wrestling sa lalaki. Naniniwala pa din ako na epekto pa rin yun ng mga kuto pero wala nako nun nalunasan ng suyod at 3 beses sa isang araw na paligo.. Aftermath siguro. Ang bunga...principal's office ulit! In fairness, naging friends naman na ulit kami ni Erwin Mosura...pagdating ng 4th year h.s.
---Grade 6. Gusto ko mabago nman ang image ko. Magpaka-teacher's pet kaya ako? Si Ms. Vicky Noquera ang adviser namin. Tropa na nga namin yun eh. Notorious ang class nmen noon. Grade 6 Yakal. Ako ang taga-pagmana ng arnis ni ma'am at buong puso kong hinahampas sa teacher's table habang sumisigaw ng "QUIET!!!". Ako ang taga-lista ng NOISY , N.I.P.S. (Not In Proper Seat) at Standing noon. Ako rin ang kanang kamay sa pagche-check ng test papers. Kaya hindi ko agad natanggap na hindi na ako ang nag-top 1 nung last quarter. Naging top 2 na lang ako. Nakapag-asawa kaya yun?
Ilan lang yan. Malungkot din nung grumaduate ako at lumipat ng ibang school. Sino ba naman ang mag-aakala na babalik pla ako sa alma matter ko nung 4th year at kakanta ulit ng "O Hail Hail Hail to thee...our dearest patron saint Saint James our alma matter.."
Next time na lang ang high school. Masyadong mahaba yun.
Thursday, January 27, 2005
Sa sbrang kawalan nang magagawa nung rest day ko nauwi ako sa CSI and F.R.I.E.N.D.S. marathon. Busy-busyhan kasi ang mga friendships...Ayun na nga, namugto ang mata ko kasi natapos ko na ang CSI season 4 at 2 episodes na lang ang natitira sa FRIENDS season 6. Hindi pa nga bayad ang DVD player namin ni Cha bka any moment bumigay na sya. It's nice to know na meron na kming mga appliances ng bebe. She always calls them our "conjugal properties". Hehe..Then naisip ko tong kantang to..Super nice..
WOULDN'T IT BE NICE-BEACHBOYS
Wouldn't it be nice if we were older
Then we wouldn't have to wait so long
And wouldn't it be nice to live together
In the kind of world where we belong
You know its gonna make it that much better
When we can say goodnight and stay together
Wouldn't it be nice if we could wake up
In the morning when the day is new
And after having spent the day together
Hold each other close the whole night through
Happy times together we've been spending
I wish that every kiss was neverending
Wouldn't it be nice
Maybe if we think and wish and hope and pray it might come true
Baby then there wouldn't be a single thing we couldn't do
We could be married
And then we'd be happy
Wouldn't it be nice
You know it seems the more we talk about it
It only makes it worse to live without it
But lets talk about it
Wouldn't it be nice
Friday, January 21, 2005
10:30-10:45
10:30. Salamat, break ko na. Baba ako sa lung center para magyosi. Pinigilan ko na ang sarili kong bumili ng kape dahil nagiging tensyonado na ko. Sa elevator pa lang kung ano-ano na nasa isip ko. Quarter life crisis ika nga nila...
Bigla ko naalala nung minsan...Tumawag sa cel ko ang isa sa mga kaibigan kong minsan ko na lang makita. Malungkot daw sya..depressed (masyado nang inaabuso ang salitang 'to). Nakakatuwang isiping kahit madalang na lang kami magkita ako pa rin ang naisip nyang tawagan at sabihan ng mga hinanakit sa buhay.."Zara, eto na yata yun quarter life crisis.."
Ako nman si gaga sumagot ng, "Ha?!!Masyado pang maaga...Diba 22 ka palang..25 ang mga nagkakaron ng QUARTER life crisis.."
Hindi nman ako tanga. Gusto ko lang mapagaan ang loob nya.
Ngayon, malamang yun na din ang nararamdaman ko. Ako na mismo nagsabi sa sarili ko na masyado pang maaga. Masyado pa akong bata para mapag-isip. Anak ng tokwa!!! HINDE!!Magbe-beinte tres na ko ngayong taon na 'to! Bukas makalawa beinte singko na ko.
Gusto kong bumalik sa mga panahong ang inaasikaso ko lang ay kung pano ako papasa sa mga exams. Pano ko mailulusot ang kodigo sa Spanish. Pano maaalis ang stretch marks ko. Pano ko sisindakin si Sadako na nagsabing pangit daw ako. Pano makakuha ng pang-inom. Pano maaalis ang hang-over. Pano tatakas sa klase para magyosi sa Shakey's..
Gusto ko mang pigilan ang panahon, hindi pwede..Isa na sa mga pinakamatalik kong kaibigan ang kinasal nung kelan..marami pang darating..marami pang mangyayari. Handa na kaya ako?
Ang bilis talaga ng oras. Parang ngyon, 10:45 na. Tapos na ang break. Balik trabaho ulit.
"Kay bilis kasi ng buhay..pati tayo natangay.." Sugarfree 'Burnout'
Monday, January 17, 2005
Lugar: Sa park sa tapat ng Glorietta. Sa harap ng Oakwood.
Kaganapan: Nagpapaalis ng impacho pagkatapos kumain sa Triple V. Usapang buhay sinamahan ng yosi.
Tauhan: Ako
Mareng Chard
Ronnie
Chard: Nakakatuwa no? Sana babae.
Ako: Pero sana kung lalake, mahalin pa rin nila.
Ronnie: Kayo? May balak ba kayo magka-anak?
Chard: Oo naman. Gusto ko nga eh. Mare, yung panganay mo pwede akin na lang?
Ako: OK ka lang?! Ano yun tuta? Panganay pa talaga hiningi mo eh no? Ikaw Ronnie?
Ronnie: Syempre.
Ako: May balak kayo mag-asawa?
Chard: Ayoko. Gusto ko lang magka-anak.
Ronnie: Ako, di ko pa makita sarili ko. Pero 'di ko pa rin alam. Pano kayo ni Cha?
Ako: Syempre gusto ko makasal kami. Kaya lang khet naman magpakasal kami sa nagkakasal sa mga tulad natin parang hindi pa rin nman yun sapat diba? Hindi nman matatanggap completely ng lahat.
Ronnie: Pano kayo makaka-anak?
Ako: Artificial insemination kung kakayanin.
Chard: Shala talaga ng mare ko!!!
Ronnie: Buti pa nga kayo pwede gawin yun. Eh kami? Kung mag-aampon nman di ka pwede mamili. Zara, pag ba naisipan ko magkaanak o kaya maisipan ni Chard magka-anak pwede ikaw na lang nanay?
Ako: GAGA!!Ano ako babymaker?!! Chaka isipin nyo na lang kung ano kalalabasan! Maawa kyo sa bata!!
Ronnie: Haha!!!Kung hindi sbrang balbon, pango ang ilong at maitim!!!HAHAHA!!!
Chard: EEEWWW!!!Hindi ko maisip!Nakakadiri!!
Ako: Kilabutan nga kayo sa mga pinag-iiisip nyo ha!! Pero nakakalungkot no? Di bale, yung magiging anak namin anak nyo na rin. Tulungan nyo din ako sa gastos ha..hehe..
Ronnie: Tumatanda na talaga tayo. Anak na pinag-uusapan natin...Uwi na nga tayo.
Ako: Sa bahay ka na umuwi.
Ronnie: Masyadong hassle eh.
Chard: Eh gabi pa nman pasok mo bakla eh.
Ronnie: O sige basta ihatid mo ko sa Ayala mamaya. Promise mo bakla.
Chard: OO. Ihahatid kita sa Ayala. Tandaan mo ang sinabi ko. Ihahatid kita sa Ayala.
Ronnie: Bakla ha..Nag-promise ka..
Napangiti na lang ako. Alam ko na kung anong mangyayari. Ihahatid ni Chard si Ronnie kinabukasan hindi mamaya. Nautakan na nman ng bakla ang kapwa bakla.
Kahit walang anak...basta kasama ko ang mga kapwa ko bakla masaya na ako. Sino pa ba nman ang aasahan namin kundi ang isa't-isa. Basta pag nagka-anak ako para saming lahat na yun. At malamang ang kalabasan, bading din sya..OK lang. Eh di masaya!!
Friday, January 14, 2005
One of the few songs which I never get tired of listening to is "Stay" by Lisa Loeb. And the biggest reason is because it was included in the soundtrack of my all time favorite movie Reality Bites. I never liked Winona Ryder nor Ethan Hawke. It was actually Janine Garofalo who I truly adored. Not the usual striking and glamorous Hollywood star yet acting-wise, PANALO!!I'm still trying to sweep the whole of Ayala to find a pirated copy of the movie. I get to watch it again last Tuesday morning (thanks to...it was either HBO or Star Movies).
When reality bites, it bites you like there's no tomorrow..Ipagmumudmuran nito sa mukha mo na "Hoy, magising ka sa katotohanan..hindi ka kagandahan!" hehe...Mganda rin nmang minsang nakukurot ka ng buhay at nang makpagnilay-nilay ka sa mga bagay-bagay.
"Reality Bites" was a perfect specimen of how reality bit the actors. Winona Ryder who was then a big name in the business is now branded as the "shoplifter" of the century. Ethan Hawke who made girls swoon is now nowhere to be found. On the other hand, Ben Stiller who was just the "other guy" in the movie is now earning millions of dollars from producing and of course acting. AND, AND, AND, the greatest of all... Renee Zellweger who was just a mere "extra" in that movie is now an award-winning actress who's being paid to gain weight for her films. (Taena, pag ako binabayaran pra magpataba ang saya siguro ng buhay!).
Hay buhay nga nman...Sabi nga ni Geng.."Kapit lang, mare"
Darating din tayo dun...Maglalakad din tayo sa red carpet at kakaway sa mga fans at tatanggap ng tropeo...Hayyy...
Ayan, ginulat na nman ako ng realidad..eto pa rin ako at kayod kalabaw. Kapit lang...
Trivia Ive learned from the movie: Evian is naive spelled backwards.
Wala lang.
NOSTALGIA
Amoy ulam ako ngayon. I had my dinner at the newly-opened Ministop just across our building. Bigla ko naalala ang naging buhay ko sa ABS-CBN compound. Kahit puro kapalpakan ang nangyari sken doon, I gained lotsa friends. I miss them terribly. Matagal-tagal nang 'di nalamnan ang sikmura ko ng alcohol sa madaling-araw. Kahit 'di ako masyadong gutom pinilit kong kumain ng 1pc chicken meal ang fried wanton. Masaya na malungkot. Wala sila sa tabi ko para sabihing, "Hoy Zara, may bukas pa...Wag masyadong masiba." Kamusta na kaya sila?
Kelangan ko ng tumigil sa pagyoyosi. Sayang lang ang vitamins at kung ano-ano pang nilalagay ko sa mukha.
Wala na nmang patutunguhan 'to...Amoy ulam pa rin ako...Shet.
Tuesday, January 11, 2005
Bukas hindi na ganito..
Minsan lang sa buong buhay ko ako nakakaramdam ng ganito. Siguro dahil pilit kong inililihis ang utak ko kapag iyon na ang naiisip nito. Hindi pa siguro ako lubusang handa at hindi kailanman magiging handa. Saan na nga ba ako tutungo? Ano ang plano ko sa buhay?
Nakagisnan na ng mga tao sa paligid ko na hindi ako nagpapaapekto sa bilis ng takbo ng panahon, sa daloy ng bawat segundong dumaraan..Natatabunan ng bawat tawa at halakhak ang takot at pag-aalinlangang nararamdaman ko. Maraming nagsabing hanga sila sa pagdadala ko sa buhay...Ang hindi nila alam ako ang yumuyuko at sumusuko rito...Mahirap at nakakatakot isiping sa dami ng mga taong nakahalubilo, nakasalamuha at nakasama ko...minahal, inaruga at pinagkatiwalaan...tatanda at mamatay din akong mag-isa..Nakakatakot...
Sana bukas paggising ko bumalik na ang dating Zara...o baka nman ako talaga 'to..nagpupumilit nang lumabas at magpakilala.
Ayoko.
Monday, January 10, 2005
hay..haba ha..
I always wake up at 4 in the afternoon during weekends. But not last Sunday. I wanted to watch ASAP because it had been 6 straight weeks that I had not seen Jericho Rosales. I heard from my lucky, LUCKY friend, Cora, that he cut his hair short. Share ko lang ang experience nya:
Cora is a "Kapamilya". She works for MMK, specifically. They had an episode last year and Jericho was the lead star. When we met at a friend's house she excitedly told me her "kilig" moment with Jericho which indeed made me jealous to the bones.
Cora: (concerned coz Echo was sick at that time) Sige po, pahinga nlang po muna kyo. Twagin ko nlang kyo pag shoot na.
Jericho: Talaga?
Cora: Opo! (enthusiastic kc kinikilig)
Jericho: Sige. Thanks. I love you.
Cora: (pabulong) I love you, too.
Malaking HMP!!! Hindi ko yun kinaya...Tapos tinanong nya ko kung gusto ko raw "umextra" for that episode..and...and... I WOULD HAVE A SCENE WITH ECHO!!!Jusko...The last time I saw him in person, natulala lang ako sabay sabi ng "Pwede ba magpapicture?".
"Kahit walang bayad, OK lang. Khet ano pagawa nyo saken. Kung kinakailangang lumuhod ako sa asin at magcartwheels pagkatapos OK lang. Sabihin mo agad at ng mkapag file nako ng leave."
"Pero 'di pa yun sure ha..bka kc may nkuha ng iba. Kung meron na tambay ka nalang sa shoot."
Ganyan ako kabaliw sa lalaking yan. Mas grabe pa kesa nung panahon ni Eric Fructuoso. Hehe. Wala kong pakialam sa sa2bihin ng iba. Khet isinumpa nako ng mga walangya kong kaibigan dhel sa mga kahihiyang idinulot ko sa kanila. GRRR!!!
To cut this short, hindi natuloy ang supposed-to-be time of my life dahil hindi na raw pwede i-cancel ang mga nakuha na nilang talents. Punyeta. Nagpractice pa nman ako. So I just decided to go to work..
Going back nung Sunday...Ayun na nga. Ang totoo nyan dpat nagmadali nako dhel pu2nta kmi ng Greenhills pra bilhan ng regalo si Mareng Chard. Wala pa din si Echo..siyet. Nabwisit nako kakaintay, nilipat ko nalang sa ETC. Paalis na dpat kmi when I felt the urge to change the channel back to ABS-CBN. ASAP Fanatic na and Hunks were singing a very pathetic song ksma ng mga nahuhumaling na makapasok sa showbiz.
"Tara na, wala si Jericho jan. Gagabihin na tyo." at bigla nman nagselos ang Cha. hehe... (joke lang bebe)
"Mare, mahiya ka nga sa mga kapitbahay. Nagtititili ka na nman. Hay naku, iwanan na nga yan."
And then I saw him...kalahati nga lang ng mukha niya. Tinakluban kasi ni Carlos. Nyeta. Hayy...wala ko masabi.Kasi tumili na lang ako.
At syempre kulang na lang maalis ang mga eyeballs ng mga kasama ko sa kakarolyo ng mga mata nila. Care ko...at least kinikilig ako..Masarap kya kiligin dba?
Monday, January 10, 2005
Nyetang buhay 'to o.Minsan talga tatamaan ka ng sbra2ng kamalasan. I had to wake up 3 hours earlier pra samahan si Cha sa kung san2 at ipa-check ang iPod nya. 'Di ko kc maintindihan ang mga tao. May walkman nman at radyo , di pa nakuntento . Nag-imbento pa ng pagkaliit2 na bgay na pwedeng magkarga ng libo2ng kanta. Heller?!!!
Tpos wla pla akong masu2ot eh 1pm pa pwede magdeliver ng laundry. In short, I had to get my clothes from the laundry shop. Pagkatapos maligo at magbihis, derecho na kmi sa glorietta. Una sa ambassador (park square 1), tpos sa Apple Center (Greenbelt 1), tpos sa Palm One (Glorietta, Digital Exchange). Imagine kung gano kalayo ang mga yun?!!! Ako nman nagmaganda. Monday kc so formal. Eto't nka off-shoulder and super pointed shoes na pinanlakad ko na nman sa buong Ayala Center. Naalala ko wla pla akong dalang coat so syempre dhel sa nagandahan nman ako sa poncho na nkasabit sa citywalk, binili ko na rin. SIyet!! Nagpaltos na nman daliri ko sa paa. Naglalakihang kalyo na. Taena!!! Makukuha kya silang alisin ng Nivea?
'Di nman ako nagrereklamo dhel sinamahan ko si Cha. Bukal sa loob ko..(yes, what a term). Pero nman ksi...Ang laki ng Ayala Center ikumpara mo nman sa liit ng iPod. Yung laking yun eh kelangan kong tahakin sa ngalan ng isang bagay na kahit hintuturo ko lang e pwede ko ng buhatin. Nakakainis ang mga taong nag-iimbento ng mga ganyan. Sabi ko na tama lang na hindi sbra kaalaman ko sa teknolohiya..
Pero in fairness, ang galing pla ng iPod ha..may calendar pa.
Thursday, January 06, 2005
Pantapal sa mukha aka moisturizer (thanks to the soon to be multi-awarded Hollywood actress)
Thanks Geng for writing all the stuff about how we should definitely use moisturizers. Napagnilaynilayan ko ang mga bagay-bagay. I woke up one morning and stared at my face in the mirror. I was horrified to find out that wrinkles were beginning to form what seemed like the map of the Philippines. I had never been concerned about my skin. Sabi ko ksi lagi sa sarili ko "Yan ang advantage ng kulay mo sa iba...hindi madaling makita ang blemishes and wrinkles." The hell!!! Eh kita pa din eh..
I rushed to Rustan's Supermarket with Cha to use the gift certificate I won last New Year's Eve raffle. I stood in front of the stall with all kinds of moisturizers waiting to be chosen so they can prove their existence. My eyes focused on the stack of Nivea moisturizers. I was greatly influenced by Gengkukay. HAHA!! I was contemplating on which I should buy. Either Nivea Cream which I thought was the "old school" one (yun nasa lata pa) or Nivea Soft Moisturizer. I read the back of the package where one usually sees stuff like "making your skin look and feel young...". I made up my mind and just took Nivea soft moisturizer. Cute kasi yun lalagyan. Yun isa ksi parang pangmatanda na. I then checked the price. Sowsmaryosep!! Hindi pala basta2 presyo ng mga 'to!! Panapal lang sa mukha daan-daan na ang presyo! Cha saw me trying to make up my mind if I should buy it or not. She was doing her own shopping too.
She then told me, "Bakit hindi na lang to bilhin mo? Firming pa sya..."
"Eh mas mahal yan eh."
"Ano ka ba? Bilhin mo na. Ako na bahala."
The usual Cha who wouldn't mind paying for everything...that's how generous she is. Yun ang prob sa kanya. Pero pag ako bilhan ko lang sya ng favorite nyang pumuputok na candy (hindi ko alam ano talaga tawag. Basta pag bumibili ako, "Ate 2 nga nung pumuputok na candy sa bibig.") nagagalit na agad. Bat daw ako gumagastos na naman. HMP!!
"Ayoko. Ako magbabayad. Chaka ayoko ng firming hindi nman puwet ang mukha ko pra i-firm."
I wasn't aware that "firming" also applies to our faces.
I went to the cashier to pay for everything. I left Cha to finish what she was doing. I went back to her and found out that she was shopping for me AGAIN. Grrr!! Kung ano-ano na nman nasa basket nya. Chips Ahoy, concentrated calamansi juice, fresh milk, Planters Cheese Curls, Philadelphia Cream Cheese etc.
"O, eh ano na naman yan?"
"Eh kasi may sakit ka, kelangan mo magkakakain."
"Babayaran ko lahat yan. Ang hirap mo talaga kausap. Sabi ko ng wag mo nako bilan ng kung ano-ano eh."
"Ehh...Basta."
Nivea moisturizer lang nman ang pakay kong bilhin eh. Para gumanda nman ang kutis ko. Ngayon hindi lang kutis ang problema ko, pati tuloy katabaan dhel sa mga pinagbibili nyang pagkain. Hay buhay...
P.S. to Ger (meron bang gnun)
Gustuhin ko man mag-add din ng comment sayo lagi nalang nagqquit "Unexpectedly" ang internet. Bastos na yun!!!Di man lang ako binibigyan ng warning...Salamat sa suporta, Ger...Mag-chinese garter tyo minsan.hehe..
Tuesday, January 04, 2005
I was BLOG-SURFING (uy, new term) a while ago. I realized one really OBVIOUS thing. My account sucks big time!!! Sobrang namangha ako sa accounts ng iba. Sabi ni Baleleng mapapaganda ko nman to kung interesado talaga ko matuto. Eh pucha pag tinitingnan ko plang nahihilo nako kung ano uunahin ko. Hanggang sa tinititigan ko nlang lhat. DUH? As if may magbabago? Interesado nman ako eh. Siguro dpat bumili nlang ako ng bagong diary at doon ko nalang ibuhos lhat.
OK lang khet bobo talga ko sa computer. Master nman ako ng pick up sticks and chinese garter. Bitter?
Monday, January 03, 2005
Ang ganti ng mga ALIMANGO
My Mareng Chard arrived from Mindanao with 7 live and literally kicking crabs last Saturday. Sobrang natuwa pako kc may pangalan ni Chard bawat kanto ng box. Parang ayaw talga mawala ng mom nya un padala. Mawala na anak nya wag lang ang mga alimango. Sunday night, I received a txt message from Dar: "Zara, wag ka kumain sa labas. Kakainin na natin un alimango."
"OK. Sana bilisan nyo at kumakalam na sikmura ko."
After 1 hour and 45 minutes, Dar and Chard arrived sabay sabi ng "O Zara, magluto ka na.."
Ang mga mahal kong kaibigan..TSK3!!
We just "steamed" the crabs. While they were watching MYX and criticizing the super maarteng VJ Heart, I stood there in front of the gas stove staring at the crabs as they slowly turn orange. "Kawawa nman tong mga nilalang na to..Mamaya-maya lang lalantakan na nmen kyo..At least nkarating kayo ng Maynila diba?"
We devoured the crabs with our bare hands. That was one of the best meals I had recently. Tinalo pa ang mga Xmas parties. Ang sarap pa ng suka na may pinitpit na bawang at may konting asin!!Astig!Masyado ko na-overwhelm sa aligue at nkaubos nako ng isa't-kalahati. Then I realized, may allergies nga pla ko sa seafoods. Piling seafoods and crabs are one of them. Shit.
Pagtingin ko sa salamin ayan na...pula na ang mga mata ko at gusto ko na dukutin dhel sa sbrang kati. Thanks to the fresh milk Cha bought me. It served as an antihistamine.
feeling ko tuloy naghiganti ang mga alimango sa kasibaan ko. hindi nako uulit...ay, hindi rin..hehe..
New Year
I HAD to spend the New Year's Eve at the office. As if I had a choice . The New Year's Countdown Party here in Makati was a perfect example of the "near yet so far" thing . We let out our "oohs" and "aahhs" as we sadly look at the flamboyant fireworks display of the city through our windows. To curse our "bloody callers" was not enough. Gusto ko na lang sabihin sa kanilang, "Mga hayup kyo!!Wala ba kyong mga buhay at New Year's eve eh tumatwag kyo at nagpapaestablish ng PIN?!!"
So to help me not mind the time I copied and pasted (Im beginnning to like saying those words) the blogs of Gengkukay to..shit I dont know the right terms to use..basta sa outlook ng opisina. It's a mortal sin to visit external sites here at the office. So I used my breaks to go to my favorite place, the recreational area, where anyone can have his share of friendster and blogs to the fullest. Enough about how I got a copy of my dear friend's blog. In the midst of british accents and complaints about messed-up reservations, I let out my full-force mala-kontrabida laugh as I read how Geng fainted in SM Fairview. Her one hell of an experience really made my day or should I say night (sorry Geng..).The love of my life, who was just seated right beside me grumbled how fake my laugh was AGAIN. "Ang plastic talaga ng tawa mo!"
That brought me into thinking what my New Year's resolution should be:
"Try as in TRY to have an honest to goodness LAUGH!"
This will be just an exception since I dont believe in resolutions.
Friday, December 31, 2004
I really dont know why I tried this. Perhaps, I just want something new, something anybody who knows me will surely think i wont do such a thing. Very unZARAlike. Am i making sense.Probably not.--->Uy, gusto magkaron ng psychological effect..HAHA!!
well, to start with..I can picture the smirks on the faces of some people I know sabay sbi nilang "Zara, ikaw ba yan?"hehe.. Ano nga ba tawag dito ulit? I just copied and pasted a link that I saw from one of my friendsters and voila! Xanga ang lumabas. Kung ano2 lang pnagcclick ko til I saw myself creating my own Blog??--did i use the term correctly?My sincere apologies if not..
Nung nagsaboy si God ng skills pagdating sa computer nagbukas ako ng payong pangsangga kasi akala ko melanin pa din yun sinasaboy nya eh. Ayan tuloy..khet un 'html' di ko lam ano ibig sbihin. Chka pano ba gmitin un xanga skin ba yun? chka kung ano2 pa.
In conclusion, these are the times when I would really miss the good old days when kids just scatter on the floor with their coloring books and drawing materials, when teenagers lay on their beds writing on their diaries (aminin nyo may susi at lock pa yun) about the love of their lives..Seems time just passes you by..I guess it's time for me to accept reality that life is not as simple as it was before. The hell! Lumayo na nman dahil lang sa Xanga.
AND THE BOTTOMLINE is kelangan ko matutunan gumawa nitong BLOG na ito.
P.S.
Sa lhat ng may mabuting puso..tulungan nyo nman akong payamanin ang BLOG na ito. --still not sure if used the term correctly. I will always be open to criticisms and opinions.