Noon at Ngayon
NOON
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko tuwing sasapit na ang Mahal na Araw. Masaya dahil nagkakasama kaming magpipinsan. Magtataguan, maghahabulan tapos kakain ng papaitan. Kelangan mahina lang ang tawanan namin kundi lagot! Pagagalitan kami at pasasabayin sa "Pabasa", kakanta ng "Noong namatay si Hesus...", pag napaos pasisipsipin ng luya na may kalamansi. AARGGHH!! Nakakainip dahil bawal ang TV. Eh kahit naman pwede wala ring mapapanood. Wala pang cable noon. Ang mapapanood mo taon-taon ay si Ate Guy at ang walang kamatayang "Walang Himala!!!!". Bawal naman mag-family computer dahil talagang 'di namin maiwasan ang mapasigaw sa Elevator Man. Panlilisikan kami ng mata ng mga 'elders' at sasabihang "Patay si Hesus..". Excited naman ako kung minsan kasi malaki ang chance na magpunta kami sa beach. Pero siguradong hindi sa Biyernes Santo. Bata pa ako noon. Tahimik ang lahat. Taimtim na nagdadasal ang mga tao. Mararamdaman mo pati sa simoy ng hangin ang Mahal na Araw..
NGAYON
Oo, double pay nga. Mas malaki ang kikitain. May pasok kami noong Huwebes at Biyernes Santo. Hindi ko naman masasabing linggo-linggo ay nagsisimba ako o matuturing akong isang huwarang Kristyano pero noong mga panahon na yun bigla akong napaisip...Eto na nga marahil ang dulot ng pera sa buhay ng nakararami ngayon. Nakalimutan na ang mga nakagawian. Isang bagay na ang pumasok sa opisina tuwing Linggo pero pati ba nman sa araw na namatay Sya?
Pati naman ako nagpaapekto. Tumambay sa bahay namin si Ronnie at Darwin nung Sabado. Wala kaming magawa nung una kundi magkuwentuhan. Ako, si Cha, Chard, Ronnie at Dar. Napagtripan na ituro saken ni Ronnie ang steps ng Chocolate (as popularized by the 2nd batch of Starstruck) at Choopeta (dance steps of Sexbomb). Nanakit na ang tyan ko kakatawa. Naging joke na nga lang samin na.."Huy, wag kya tyo mag-ingay. Patay si Lord". Pagkatapos, tumuloy kami sa Megamall. Kumain sa Triple-V at nagkape sa Seattle's Best. Dati-rati kahit Black Saturday na wala pa rin laman ang malls. Nagulat ako kasi halos walang pinagkaiba sa ordinaryong araw ang Mega. Habang umiinom ng kape tsaka namin napag-usapan ang mga 'to. Nahiya kami sa mga sarili namin. Ano nang nangyayari? Unti-unti na ba talagang natatabunan ang nakagisnan nating mga Pilipino? Handa akong tumanggap ng pagbabago. Walang kaso sakin yun. Pero nakakalungkot isiping baka sa mga susunod pang Mahal na Araw tuluyan nang mawalan ng bakas ng Kristiyano ang bawat isa sa atin.
Marahil para sa sarili ko na rin ito..patama kumbaga...dahil sa mga nagdaang taon, idineklara kong agnostiko ako.